LAPIS
ilng beses na ba sa buhay natin na tayo ay nabighani at nahalina sa lapis na gamit ng ating kaeskwela? ilang beses na din ba natin hiniling na sana ay magkaroon din tayo ng lapis na kagaya ng sa kanila?
may mga pagkakataon na gusto nating hiramin ang kanilang lapis at nang kahit sandali ay maranasan natin ang pakiramdam nito sa ating mga palad at subukang sumulat o gumuhit sa pamamagitan nito. subalit paano kung hindi nais ng may-ari na ipagamit sa iba ang lapis niya? kukuhanin mo ba ito ng walang paalam? susubukan mo pa din bang sumulat o gumuhit gamit ang lapis ng iba gayong alam mo na ikasasama iyon ng loob ng may-ari?
malamang ang sagot mo ay hindi. pero paano kung hindi ka patahimikin ng utak mo sa kaiisip tungkol sa lapis na ito. paano kung halos mabaliw ka na sa kapapangarap sa lapis na hindi naman sayo at alam mong kahit kailan ay hindi magiging sayo?
subalit, isang araw ay di sinasadyang nakalimutan ng kaeskwela mo ang kanyang lapis at naiwam itong nagiisa sa lamesa. saglit mong pinagisipan kung tatawagin mo ba ang iyong kaeskwela para ipaalam sa kanya na naiwan niya ang kanyang lapis ngunit sa huli ay nagpasyang kang ipagpaliban na lang muna. maingat kang lumingon sa iyong paligid at nang matiyak mo na walang nakapapansin sa iyo ay dahan dahan mo itong dinampot at isinilid sa iyong bag.
nang matiyak mong walang nakamasid sa iyo ay maingat mong inilabas ang lapis at sabik na dinama ito sa iyong mga palad.
sa umpisa ay naaaliw ka lamang sa panlabas na kagandahan nito. sinubukan mong gamitin ito sa pagsulat at ikaw ay namangha sa kagandahan na ipinamalas nito. walang kaparis ang linaw ng sulat na nilikha ng malinis na tasa nito. at noon din ay nagpasya kang itago muna ang lapis ng iba.
gamit ang lapis ay sari-saring kwento at tula ang iyong nalikha. iba't iabng karanasan ang iyong naibahagi sa lapis na ito. hindi mo namalayan na unti unti ka nang nahuhumaling sa mga mumunting katangian nito. lingid sa iyong kaalaman ay napapamahal na sa iyo ang lapis na pag-aari ng iba.
subalit, kahit hindi mo man gustuhin ay tapos na ang araw, kailangan mo nang ibalik sa iyong kaeskwela ang ngayon ay itinatangi mo ng lapis. oras na para isauli ang bagay na hindi mo naman hiniram.
ngunit makakayanan mo ba?matitikis mo ba ang iyong sarili na hindi muling mahawakan ang lapis na sa sandaling panahon ay nagdulot sa iyo ng labis na kaligayahan? matatanggap mo ba na mapalayo sa lapis na lubha nang napalapit sa iyo? makakayanan mo bang makita na ang lapis na ito ay muling mahawakan ng kanyang tunay na may-ari?
malamang ay hindi. ngunit kahit gaano man kahirap ay nararapat lang na ibalik mo ang lapis na sa simula pa lamang ay alam mong pag-aari na ng iba. kailangan mong isauli ang lapis kahit gaano pa man ito napamahal sa iyo, kahit gaano ka pa man naging maligaya sa piling ng hiniram na lapis ay kailangan ninyo pa ring maghiwalay dahil hindi tamang kumuha ng lapis ng may lapis. hindi dapat angkinin ang lapis na hindi sa iyo lalo na kung hindi alam ng may-ari na nasasaiyo ang lapis niya.
kakailanganin mo uling mabuhay ng wala sa piling mo ang lapis ng kaeskwela. maaring makadama ka ng pangungulila sa lapis na ito subalit malay mo, makahanap ka din ng lapis na lubhang magpapaligaya sa iyo at alam mong nakatakda para sa iyo.
2 comments:
kahit hiniram mo pa o hindi, di ka pa rin magiging maligaya dahil Hiram pa rin ito! ibig sabihin, hindi pa rin ikaw ang mayAri.
sabi ko nga,eh..hehe..ibabalik din naman..
Post a Comment