Wednesday, October 29, 2008

nawawala

hindi mo makita yung lapis. nawawala ito sa iyong sisidlan. matapos ang ilang oras ng paghahanap ay nakita mong hawak ito ng kanyang tunay na may-air. sa hindi mo malamang dahilan ay muling nahanap ng may-ari ang kanyang lapis. natagpuan mo silang masayang lumilikha ng mga panibagong kwento. naguluhan ka. hindi mo alam ang gagawin. masisiyahan ka ba sapagkat naibalik na ang lapis sa tunay na may-ari o malulungkot ka sa pagkawala ng lapis sa iyo. nangungulila ka. nananamlay ang pagsulat mo. nanumbalik ka sa iyong pag-iisa. hindi mo alam kung ano ang gagawin upang muling mapasaiyo ang lapis.
hihintayin mo bang muling maiwan ng may-ari ang lapis, hihingin mo ba ito o harapan mo na itong aagawin?

hay,ewan..

2 comments:

Jhomel Romero said...

bibili ako ng bagong lapis. haha. take note ha, BIBILI.

maura adela said...

hehe..san ba may makakabili ng lapis?